-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Cebu Pacific na kanselado ang lahat ng mga flight papasok at patungong Dubai simula ngayong Mayo 15 hanggang 31.
Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Maaari aniyang mag-rebook ang mga apektado ng mga kanseladong flights.
Ilan din na options ay maaaring i-avail ng pasahero ang travel fund na magagamit ng hanggang dalawang taon.
Huling option na lamang ay ang pag-refund subalit ito ay abutin aniya ng hanggang pitong buwan.