Kasabay ng opening salvo ng 453rd Founding Anniversary ng Cebu kahapon, Agosto 1, muling inihayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na wala nang lockdown sa Cebu sa gitna ng banta ng monkeypox.
Sinabi pa ni Garcia na nariyan pa rin umano ang mga sakit at ang hamon dito ay palakasin ang immune system upang matiyak na protektado ang katawan ngunit hinding-hindi na umano maaaring ipatupad ang lockdown.
Noon pa man ay tinututulan na ng gobernador ang lockdown bilang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil aniya,
ito’y nakakasama lamang sa ekonomiya.
Ipinaalala pa niya sa mga miyembro ng Provincial Board at mga alkalde na dumalo sa event ang mga aral na natutunan sa nakalipas na tatlong taon.
Tatlong taon na rin umano ang nakalipas nang normal pang naipagdiriwang ang founding anniversary ng Cebu.
Gayunpaman, ikinagalak at ipinagpasalamat naman ni Garcia na muli itong maipagdiriwang ngayong taon bilang mga normal na mga tao.