Cebu Gov. Gwen Garcia, personal na nagsagawa ng inspeksyon sa headquarters ng Coast Guard Central Visayas bilang bahagi
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Thu Feb 09, 2023 12:27 pm
Cebu Gov. Gwen Garcia, personal na nagsagawa ng inspeksyon sa headquarters ng Coast Guard Central Visayas bilang bahagi pa rin ng pagpapaigting ng seguridad sa mga daungan ng lalawigan vs ilegal na droga
Personal na nagtungo si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa headquarters ng Coast Guard District Central Visayas nitong Miyerkules, Pebrero 8, para talakayin kung ano pa ang mga kinakailangan mga hakbang para malabanan at maiwasan ang pagpasok ng ilegal na droga sa mga ports at terminals dito.
Dinaluhan ito ng opisyal ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency 7, Naval Forces Central, Maritime Industry Authority, Cebu Port Authority, at Bureaus of Customs, Immigration at Quarantine.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng pag inspeksyon si Garcia sa operational capacity ng Vessel Traffic Management System (VTMS) at National Coast Watch System (NCWC).
Ipinakita naman ng mga opisyal ng Coast guard District Central Visayas kung paano gumagana ang kanilang mga sistema at mekanismo sa isang nakagawiang 24-oras na monitoring.
Inirekomenda din ng mga ito na dagdagan ang VHF transceiver, CCTV, AIS transponder, Meteorological antenna, Radar System at X-ray machine para sa mas epektibong pagsubaybay sa mga sea vessel na pumapasok sa hurisdiksyon ng Cebu.
Una na ring napagkasunduan na gagamitin ng One Cebu Inter-agency Interdiction task force ang resources ng Philippine Coast Guard para masubaybayan ang mga undocumented arrival at kahina-hinalang aktibidad ng mga sasakyang pandagat na may mga naka-off na automatic identification systems (AIS) transponder.
Tiwala naman si Garcia na malaki ang tulong at epektibo itong paraan laban sa ilegal na droga at umaasang gayahin din ito ng ibang lalawigan.