Ngayong naglabas na ng pinal ng desisyon na gaganapin ang Sinulog grand parade ngayong Linggo sa South Road Properties(SRP), nagpahayag ng paglilinaw si Cebu Gov. Gwen Garcia kaugnay sa isyu ng pagbackout at hindi na pagsali sa ritual showdown ng 10 contingents.
Inihayag ni Garcia na buo na rin ang kanilang desisyon na hindi na lalahok sa showdown kahit pa magbago na naman ang isip ng mga opisyal nitong lungsod at ibalik sa dating venue ang aktibidad sa Cebu City Sports Complex.
Dahil dito, sinabi pa ng gobernadora na sisimulan na nila ang kanilang paghahanda dahil lalahok sa Sinulog sa bayan ng Carmen ang 10 contingents na kinabibilangan Mandaue City,Talisay City,Naga City, Carcar City,Toledo City,Carmen,Moalboal,Tuburan at ang guest contingent na Consolacion kung saan ito sasali sa pagsayaw.
Nilinaw pa ng opisyal na wala silang naramdamang sama ng loob kaya nila naisipan ang desisyon at ito pa aniya ang kanyang nakikitang pinakamagandang solusyon.
Sa kabila nito, umaasa pa rin si Garcia na maging matagumpay at ligtas ang pagdiriwang ng ritual showdown nitong lungsod.
Dagdag pa nito na ang tagumpay ng Sinulog sa Cebu City ay tagumpay ng buong Cebu.