-- Advertisements --

Cebu City Mayor Mike Rama, naninindigan na manatili sa SRP ang venue ng Sinulog grand parade sa kabila ng pag anunsyo ni Gov. Garcia na pagbackout ng 9 na contingents

Muling iginiit ni Cebu City Mayor Michael Rama na mananatili sa South Road Properties (SRP) ang venue sa grand parade ng Sinulog Festival sa kabila ng mga batikos na natatanggap nito at pagpapahayag ng pagtutol ng ilang opisyal ng Cebu.

Sinabi pa ni Rama, marami na ang nagawa kaya hindi na maibalik sa Cebu City Sports Complex ang venue.

Nauna nang inihayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na magbackout ang 9 na contingent kung itutuloy ang venue sa SRP.

Aniya, prayoridad pa ang kaligtasan ng mga ito at ang matagumpay na pagdaraos ng Sinulog.

Samantala, suportado ni Lapulapu City Mayor Junard Ahong Chan si Garcia na nais ibalik sa orihinal na venue ang nasabing aktibidad.Bukod kay Chan, nagpahayag din ng parehong sentimyento sina Mandaue City Mayor Jonas Cortes at Talisay City Mayor Samsam Gullas.