DAVAO CITY – Naglabas ngayon cease ang desist order ang business bureau sa Davao City laban sa pribadong kompanya na Regin Marketing at binigyan ito ng tatlong araw para asikasuhin ang kanilang mga dokumento.

Ito’y matapos mapatunayan na walang business o mayors permit ang naturang kopanya para makapag-operate sa lungsod.

Sa inilunsad na inspection ng Business Bureau at ng Anti-Scam unit ng lungsod, nabatid na nag-bebenta ng mga wellness product ang kompanya pero wala kaukulang mga dokumento.

Nauna nang kumalat sa social media ang larawan ukol sa mahabang pila sa opisina ng Regin Marketing na umano’y nagsagawa ng pay out sa kanilang mga miyembro.

Naniniwala ang mga opisyal na isang pyramiding scheme ang operasyon ng kompanya dahil sa halagang P5,000 na i-invest dito ay babalik umano ang pera ng halos apat na beses sa loob ng isang buwan.