CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang makipagpulong si DOH-10 Regional Director Adriano Suban sa pamunuan ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) para sa mga hakbang gagawin sa laban kontra COVID-19.
Ito ay matapos na mapabalitang nagbanta raw ang mga medical doctors ng NMMC na huwag mag-report sa naturang ospital kapag hindi isailalim sa lockdown ang buong Cagayan de Oro dahil sa nararanasang public health crisis at kakulangan sa supply ng personal protective equipment (PPE).
Ikina-alarma ni Suban ang naturang balita lalo pa at ang NMMC ang siyang napiling ospital para sa mga COVID-19 patients sa buong Region X.
Sa kabikang dako, humingi naman ng City Mayor Oscar Moreno sa mga health authorities at nilinaw nito na naiintindihan niya ang sentimento nga mga ito.
Aniya, hahanap siya ng paraan na makakuha ng maraming supply ng PPE para sa mga health workers.
Patuloy pa rin na pinanindigan nang alkalde ang kaniyang desisyon na ayaw niyang isailalim sa lockdown ang Cagayan de Oro kahit pa tumataas ang bilang ng mga PUIs at PUMs sa lungsod.