-- Advertisements --

Kinumpirma ng US maritime security analyst na si Ray Powell na hinarass at hinarangan ng 2 China Coast Guard at 4 na Chinese maritime militia ang BRP Malabrigo ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya patungo sa Scarborough shoal sa loob ng 21 oras na nagsimula noong hatinggabi ng Marso 7.

Bagama’t mahirap matukoy kung ano ang aktwal na nangyari, sinabi ni Powell base sa data mula sa Automatic Identification System (AIS) malinaw na nagpapakita na hinarass at hinarangan ng mga sasakyang pandagat ng China ang daanan ng patrol ship ng Pilipinas.

Dalawang beses na sinubukan ng barko ng ng PCG na maabot ang pinagtatalunang bahura ngunit ito ay hinarang ng mga mapanganib na maniobra ng CGC at Chinese maritime militia vessels.

Samantala, wala pang pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila hinggil sa panibagong insidente sa naturang karagatan.

Una na ngang pinarangalan kamakailan ng PCG ang 36 na tauhan ng Malabrigo para sa kanilang pagtatanggol sa mga karapatan ng ating bansa sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea.