-- Advertisements --

Kinondina ni Kalookan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio David ang pamamaril ng mga kapulisan ng Navotas City sa 17-anyos na si Jerhode Baltazar na kanilang napagkamalan lamang.

Si David kasi ang nanguna sa funeral mass ng 17-anyos na biktima na inilibing na nitong Miyerkules.

Sinabi ng Obispo na ang mga pulis ay alagad lang ng mga batas at hindi dapat nila inilalagay ang kamay sa batas.

Nararapat na sila ay ang magprotekta sa mga mamamayan at hindi ang sila pa ang kikitil ng buhay ng mga inosente.

Magugunitang binaril ng mga miyembro ng Navotas City PNP ang binatilyo matapos na mapagkamalang siya ang kriminal na kanilang hinahabol noong Agosto 2.