-- Advertisements --

Nakikita ngayon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan nang pagpapalakas nang pagtuturo hinggil sa kagandahan at kabanalan nang pagpapakasal.

Ayon kay CBCP spokesperson Jerome Secillano, mahalaga ring maipabatid sa publiko ang “positive society effects” na naibibigay nang pagpapakasal pagdating sa pagkakaroon nang pamilya at sa buong lipunan din mismo.


Sinabi ito ni Secillano matapos na lumabas sa survey ng Veritas Truth Survey na karamihan ngayon sa mga Pilipino ang naniniwala na hindi na kailangan ang pagpapakasal bago pa man magsama sa iisang bubong ang mga mag-partner.

Ikinabahala ni Secillano ang resulta ng naturang survey ay sinabi na ang pagli-live-in sa ngayon sa bansa ay “recurring phenomenon” na.

Ang pagli-live-in aniya ay salungat sa banal at makabuluhang sakramento nang pagpapakasal.


Lumalabas aniya sa ngayon na sa halip na gawing subject ng mga mag-partner ang kanilang mga sarili sa habang-buhay na commitment ay mas pinipili na lamang ng mga ito sa ngayon ang live-in arrangement.

Sa naturang survey, natukoy na 45 percent ng mga respondents ang nagsabi na hindi naman requirement ang pagpapakasal bago pa sila magsama, 40 percent ang nagsabi na kailangan munang magpakasal, at ang natitirang 15 percent naman ay undecided.