-- Advertisements --
Balanga Bishop Ruperto Santos

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na isantabi na ang kritisismo sa mga naganap na kapalpakan sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples, na dapat ay mainit na salubungin ng mga Pinoy ang mga atleta mula sa ibang bansa.

Nararapat na ipakita ang pagiging pala-kaibigan ng mga Filipino sa ibang lahi.

Hindi aniya makakatulong ang nasabing kritisismo para sa pagpapabuti ng imahe ng bansa.