Pinaalalahanan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na maging maingat sa mga dasal at kanta na para simbahan.
Kasunod ito sa pag-ani ng batikos sa video ng drag performer na si Pura Luka Vega na ginawang katatawan ang pagsayaw ng “Lord’s Prayer” o “Ama Namin”.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano, na ang pagsayaw sa mga sagrado at dasal na ginagamit sa misa at paggaya sa MayKapal ay isang uri ng kapalastangan hindi lamang sa mga tao at institusyon o simbahan at maging ang Panginoon mismo.
Ang nasabing paniniwala at mga sagradong bagay ay hindi ginagamit para magbigay aliw.
Una ng nagpahayag din ng pagkadismaya si Bataan Rep. Geraldine Roman kung saan bilang unang transgender woman na mambabatas at mananampalataya ay nasaktan siya sa ginawa ng drag queen.
Bilang bahagi ng LGBTQ community ay humingi na lamang ng paumanhin ang mambabatas sa mga nasaktan at huwag sanang lahatin sila.
Tinawag naman ni Senator JV Ejercito na isang maliwanag kapalastangan ang ginawa ng nasabing drag queen.
Nagpaliwanag naman si Pura Luka Vega na wala siyang intensiyon na bastusin ang paniniwala ng mga katolika.