-- Advertisements --
Velasco Cayetano Romualdez
Speaker-aspirants Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano, and Leyte Rep. Martin Romualdez pose for a photo during a meeting with PDP-Laban House members on July 11, 2019.

Nagpatawag ng meeting si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano sa dalawa sa kanyang katunggali sa speakership race kagabi.

Ito ay matapos na magbabala si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na may isang aspirant ang posibleng magsagawa ng coup d’etat sa halalan para sa pinakamataas na posisyon sa Kamara sa Hulyo 22.

Sa kanyang naging talumpati sa naturang event, sinabi ni Cayetano na pag-uusapan nila nina Velasco at Romualdez ang organization ng Kamara, kabilang na ang committee chairmanships at assignments.

Bukod dito, magkakaroon din aniya ng majority caucus sa susunod na linggo.

Bago ang naturang pagpupulong, inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term sharing scheme sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Si Cayetano ay uupong Speaker ng Kamara sa loob ng 15 buwan, habang si Velasco naman ay may 21 buwan.

Sinabi rin ni Duterte na si Romualdez ang uupong House Majority Leader.