Dumipensa si House Speaker Alan Peter Cayetano matapos umani nang batikos ang pagpapa-picture nila ng mga kapwa niya kongresista at iba pang opiysal sa executive branch bitbit ang isang Manila paper na mistulang kinukumpara ang kanilang mga sarili sa mga frontliners sa laban kontra COVID-19.

Nakasaad kasi sa naturang poster ang cut-out ng mga salitang: “Together with doctors and front iners, we went to work for you, so please stay home for us.”

Mabilis na pinuna ng mga netizens ang pakulo na ito ng liderato ng Kamara, at iginiit na hindi dapat ihambing ng mga mambabatas ang kanilang mga sarili sa mga health workers.


Pero ayon kay Cayetano, hindi nila kinukumpara ang kanilang sarili sa mga frontliners, bagkus nais lamang bigyan diin ang panawagan ng pamahalaan sa publiko na iwasan muna ang paglalabas sa bahay.

“If we have to find creative ways to tell you stay home, even if ang kapalit ay kritisismo, that’s our job, e,” ani Cayetano.