Hinimok ni Speaker Alan Peter Cayetano ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na bilisan ang pag-apruba sa panukalang batas na magtatatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control.
Sinabi ni Cayetano na may kapasidad, kakayahan, at otoridad ang PCDPC para tugunan ang mga public health emergencies sa hinaharap at para na rin maprotektahan ang mga Pilipino sa mga public health crisis.
Nauna nang inihain ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang House Bill 6096 na naglalayong magtatag ng Center for Disease Control, na magsisilbing attached agency ng Department of Health.
Sa oras na maging ganap na batas, nakikita na magiging mas handa ang bansa para sa biglaang health emergencies.
“The tremendous work that Rep. Salceda has put on it during this time of grave crisis for the nation cannot be overstated,” ani Cayetano.
“Not just in this initiative for a Center for Disease Control and Prevention, but also in trying to get our economy back on its feet. Something that he has been doing, not just during this administration, but in past presidencies as well,” dagdag pa nito.
Iginiit din ng lider ng Kamara naa ang pagtatag ng PCDPC ay bahagi ng pagsusumikap ng Kongreso para mapabuti ang access ng publiko sa kalidad na health care services at para mapalakas na rin ang health management framework sa gitna ng health emergencies.