Handa si House Speaker Alan Peter Cayetno na humarap sa imbestigasyon sa mga aberyang nangyari sa hosting ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.
Sinabi ni Cayetano sa kanyang talumpati sa pagdalo sa 44th National Prayer Breakfast nitong umaga sa San Juan City na handa siyang humarap sa Senado at Ombudsman.
Ayon kay Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), handa rin siyang sumailalim sa lie detertor test mapatunayan lang na hindi siya sangkot sa anumang korapsyon sa paghahanda para sa SEA Games.
Nauna nang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa serye ng mga aberya sa mga nakalipas na araw sa hosting ng Pilipinas ng naturang biennial sporting event.
Ipinanawagan din ng Panglo ang imbestigasyon hinggil sa umano’y korapsyon at incompetence na may kaugnayan sa SEA Games.