-- Advertisements --

Magsisimula sa Agosto 21 ang taas singil na ipapatupad ng Manila-Cavite Toll Expressway Project o CAVITEX.

Ayon sa CAVITEX na ang nasabing taas singil nila sa toll ay aprubado na ng Toll Regulatory Board (TRB).

Mayrong dagdag na P2 para sa Class 1 na dumadaan sa Paranaque patungo sa Las Pinas habnag P3.00 na dagdag sa Class 2 at P4.00 naman sa mga Class 3 sasakyan.

Para naman sa mga sasakyan na dumadaan sa Zapote interchange sa Bacoor, Cavite patungong Kawit Toll Plaza ang taas presyo ay P9.00 sa Class 1 vehicles, P16 naman sa Class 2 at P25 naman sa Class 3.

Ang mga sasakyan naman na mula sa Ninoy Aquino International Airport Exit patungo sa Longos, Bacoor at vice versa na dadaan sa Paranaque Toll Plaza mayroong P35.00 mula sa dating P33.00 na Class 1 vehicles, magiging P70 na mula sa dating P67.00 ang mga Class 2 na sasakyan at P104 na mula sa dating P100.

Habang ang mga sasakyan na dumadaan sa Longos, Bacoor at Kawit ay sisingilin sa Kawit Toll Plaza na P73.00 mula sa dating P64.00 para sa Class 1, mayroon namang P146 mula sa dating P129 para sa Class2 at P219 mula sa dating P194.00 para sa Class 3.

Paliwanag ng CAVITEX na ang taas singil sa toll ay mahalaga para matiyak ang maintenance ng expressway na ilang libong mga motorista ang nakikinabang.

Ang pondo na makukuha sa taas singil sa toll ay gagamitin sa improvement ng expressway.