-- Advertisements --

Magpapatupad ng toll hike o dagdag singil sa Manila-Cavite Expressway o Cavitex R-1 segment sa araw ng linggo, Mayo 22.

Asahan na sa susunod na linggo ay tataas na sa P33 ang singil sa mga sasakyang dadaan sa Cavitex(R1) Segment to Paranaque Toll Plaza para sa Class 1, P67 naman para sa Class 2 at P100 para sa Class 3.

Nauna ng ipinagpaliban ang pagpapatupad ng toll hike noong Mayo 12 upang mabigyan ng panahon ang mga driver at operator ng PUVs na makapagrehistro sa toll reprieve program ng Cavitex.

Ang programang ito ay nagbibigay ng pahintulot sa mga driver at operator ng PUVs na bayaran ang kanilang lumang toll rates na P25 para sa sasakyang Class 1 at P50 naman para sa mga sasakyang Class 2.

Samantala, magsasagawa naman ng system upgrade sa NLEX sa araw ng Miyerkules, Mayo 25 at Huwebes, Mayo 26.

Kung kayat ngayon pa lamang ay inaabisuhan na ang mga maapektuhang motorista na asikasuhin ng maaga kung may mga transaksiyon bago ang isasagawang upgrade sa susunod na linggo.

Ilan sa mga maaapektuhang srbisyo ay sa Easytrip RFID tulad ng RFID registration,account updating , reloading , balance inquiry sa pmamagitan ng SMS at ang kanilang myeasytrip web gayundin apektado ang pagkuha ng statement of account.