Lubos ang pasasalamat nina Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, at AGIMAT Party-list Representative Bryan Revilla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita nito sa kanilang lalawigan upang kumustahin ang mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Kahapon pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang pamamahagi ng relief goods sa mga taga-Noveleta, Cavite na biktima ng hagupit ng bagyong Paeng.
Nasa 90% nang bayan ng Noveleta ang lubog sa tubig baha.
Ayon kay Representative Jolo, ipinapakita lamang nito na kapag nagsanib pwersa ang Lokal na Pamahalaan, Kongreso, Senado, at National Government, ay tiyak na malalagpasan ang anomang kalamidad na kahaharapin ng bansa.
Aminado naman si Representative Lani na maliban sa nasirang mga ari-arian dahil sa baha, malaking pinsala rin sa sektor ng agrikultura.
Matapos mamigay ng tulong sa Noveleta ay nagtungo ang mga Revilla sa bayan naman ng Kawit para doon magpaabot ng ayuda sa 700 pamilya.
Una ng inihayag ni Noveleta Mayor Dino Chua na mahigit P100-million ang pinsala sa imprastraktura sa kaniyang bayan.