-- Advertisements --

Naniniwala si Cavite Representative Elpidio Barzaga na malaki ang gagawing pagbabago ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa ahensiya.

Sinabi ni Barzaga na ‘great choice’ ang ginawa ng Pangulong Bongbong Marcos sa pagtalaga kay Gatchalian dahil sa kaniyang sterling record bilang alkalde at isang mambabatas.

Sabi ng beteranong mambabatas na bilang tatlong beses na alkalde ng Valenzuela City ni Gatchalian, ang personal na ugnayan nito pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kaniyang constituents ay napakahalaga ngayong siya na ang mamumuno sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Barzaga, si Rex Gatchalian ay nagtapos sa George Washington University at batid nito ang kaniyang kakayahan at kapasidad bilang isang public servant.

Tamang-tama si Gatchalian sa kaniyang pwesto dahil personal niyang alam at nakita ang mga problema ng kanyang mahihirap na nasasakupan na nangangailangan ng tulong medikal, kabuhayan at iba pang pangunahing serbisyo.

Isa sa mga programa ni Gatchalian ay ang Barangay-Based Feeding Program (BBFP), ang libreng supply ng masustansya at ready-to-cook na pagkain ng Valenzuela City para sa mga batang malnourished.

Inilunsad din nito ang Kitchen-on-Wheels program na siyang mobile kitchen na ginagamit ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para agad maghatid ng mga pagkain para sa mga biktima ng bagyo o mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.

“It is therefore my honest opinion that our friend and colleague will succeed as Social Welfare Secretary not only because of his credentials but because of his genuine desire to serve the poor and uplift their lives,” pahayag ni Barzaga.