Umapela si Cavite Governor Jonvic Remulla sa gobyerno na siguraduhing malinaw ang ibinabahaging impormasyon tungol sa coronavirus disease.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Remulla na dapat daw ay naka-base sa scientific data ang bawat impormasyon at may gabay ng mga infectious disease specialists.
Aniya hindi raw dapat na manggaling sa mga otoridad ang direktiba na hindi muna kumukonsulta sa mga stakeholders.
Mas kailangan umano na alamin, i-trace, kumonsulta at makinig sa mga tunay na eksperto.
Hindi na rin nito napigilan na ipahayag ang kaniyang pagkadismaya sa gobyerno dahil sa urong-sulong nitong health measures na ipinapatupad.
Isa na lamang dito ang plastic barrier na ini-require sa lahat ng nagbabalak mag-backride sa mga motosiklo at maging ang pagbabawas sa sukat ng social distancing sa pampublikong transportasyon.