CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID 19 ang lungsod ngayong December 7, 2020.
Unang nagpositibo si patient CV3975, 43 anyos na babae, residente ng Barangay Bugallon.
Siya ay isang negosyante at direct contact ng nagpositibong kapatid na si CV3890.
Agad naman siyang isinailalim sa strict home quarantine matapos magpositibo ang kapatid.
Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19.
Nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility si CV 3975.
Pangalawang nagpositibo si CV 3976, 7 anyos na batang babae, residente ng Barangay Villa Concepcion.
Siya ay may exposure sa nagpositibong ama na si si CV3894.
Agad naman siyang isinailalim sa strict home quarantine matapos magpositibo ang ama.
Ang batang pasyente ay asymptomatic at kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.