Hangad ni Catriona Magnayon Gray na maipamana sa Binibining Pilipinas candidates ngayong taon ang kanyang pananaw sa pagiging Miss Universe noong 2018.
Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty mula Bicol, ilang oras bago ang pormal na pagsisimula ng online session sa Binibining Pilipinas batch 2020.
Makakatuwang dito ni Cat si Nicole Cordoves na naging first runner-up sa Miss Grand International noong 2016.
Ayon sa pang-apat na Pinay Miss Universe, ang tagumpay sa anumang beauty pageant ay hindi limitado sa pagrampa lamang at pagkakaroon ng magandang mukha, bagkus ay dapat mayroon ding matapang na boses sa realidad.
“I hope to impart my belief that being a Miss Universe or successful in pageantry is not limited to walking well and being ‘beautiful’, but rather being anchored to a cause and being a voice. I envision a generation of Filipinas that are prepared, value-driven and, confident enough to take a seat at the table. To be a vessel of good works, and also amplifier of the communities whose voices need to be heard,” ani Gray.
Sa panig ni Cordoves, tila magandang paksa aniya ng talakayan kung dapat bang maging vocal sa social media ang mga mga beauty queen pagdating sa usaping politika.
Ang event mamaya ay simula pa lamang ng maraming magiging online sessions ni Catriona at Nicole para sa mga bagong kokoronahang “binibini.”