Maging si dating Miss Universe Catriona Magnayon Gray ay ipinaabot na ang pakikiisa sa mga nananalangin sa gitna ng kalagayan ng Pilipinas kung saan maraming lugar na ang naka-lockdown.

Hindi naman direktang binanggit ni Gray ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa online post ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, inihayag nito na hangad niya ang mabilis na development para sa kinakailangang bakuna.

Marahil din aniya ay marami ang nakakaramdam ng takot, pero sana ay magsilbing daan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na magkaroon ng quality time ang lahat ng pamilya.

Si Catriona ang pang-apat na Pinay Miss Universe na kinoronahan noong 2018.