Pormal nang dumulog si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong hapon.
Ito’y kaugnay ng umano’y kumalat na topless photo ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol nitong weekend, bagay na una nilang pinabulanaan.
Unang direktang pagtukoy ito ni Cat sa kontrobersya kung saan nanahimik muna ito ng ilang araw.
Bago nagtungo sa NBI, dumalo muna si Gray sa Department of Trade and Industry (DTI) event kung saan kanyang tinanggap mula kay Sec. Ramon Lopez ang certificate of conferment bilang ambassador ng OTOP (One Town, One Product).
“Me and my team are taking the actions that we need to do to address the issue on that,” ani Gray.
Suot ng pang-apat na Pinay Miss Universe sa DTI event ang kulay pulang venus cut dress na kanyang tinernuhan din ng kulay pulang face mask.
Habang pagdating sa NBI ay isinuot na nito ang kulay itim na coat at nagpalit ng surgical mask.