-- Advertisements --
Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang lalawigan ng Catanduanes.
Naramdaman ito kaninang alas-8:00 ng umaga.
Natukoy ang epicenter sa layong 21 km sa timog silangan ng Bato, Catanduanes.
May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Maging sa hiwalay na probinsya ng Albay ay naramdaman ang naturang lindol.