-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nakaalerto na ang lalawigan ng Cataduanes kaugnay ng inaasahang paglapit pa ng bagyong Ramon na nasa eastern seaboard ng Luzon.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni Lt. Junior Grade – Harlene Joy Lacerna ng Coast Guard Substation-Catanduanes na inaming patuloy ang koordinasyon nila sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration para sa monitoring at kaligtasan ng mga mandaragat.
Sa ngayon tuloy pa rin naman daw ang biyahe ng mga cargo vessel mula at papunta sa lalawigan, maliban sa mga sasakyang pandagat na may bigat na 3-gross tonnage pababa.
Pati na ang maliliit na sasakyang pandagat ay pinagbawalan muna.