Ikinalugod ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ipinataw na 14-day preventive suspension na inisyu ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) laban sa dalawang programa ng SMNI.
Ayon kay Rep. Castro long overdue na ang suspension subalit isang magandang balita pa rin ito dahil matitigil na ang patuloy na red-tagging at pagpapakalat ng disinformation o fake news at ang pagbabanta sa mga indibidwal gamit ang dalawang programa ng nasabing network.
Sinuspinde ang programang “Laban Kasama ang Bayan” dahil sa umano’y unverified report hinggil kay House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa P1.8 billion travel funds nito.
Habang ang programang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” ay sinuspinde dahil sa death threats dahil sa bastos na pananalita ng isang guests.
Umaasa si Castro na ito na ang simula na mapanagot ang SMNI at ang mga indibidwal na nasa likod ng red-tagging at terrorist-labelling.