huling el bimbo

BACOLOD CITY – Hindi makapaniwala ang Cast ng Huling El Bimbo, The Musical sa bumabahang papuri na nakukuha matapos ang matagumpay na public stream ng musical show na maraming kinapulotang aral tungkol sa iba’t ibang hamon sa buhay sa pamamagitan ng mga kanta iconic 90’s OPM band the Eraserheads.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay OJ Mariano, miyembro ng Filipino vocal group na The Company at kay Jon Santos singer-actor-comedian na kilala bilang sikat na impersonator ni Star for all seasons- Vilma Santos, lubos umano silang nagulat at nagagalak ng malamang marami ang napasaya na inspire at natulongan nila sa gitna ng problema na dulot ng Pandemic.

Sa pamamagitan ng Bombo Radyo Philippines at Star FM ay lubos silang nagpapasalamat na madami parin pala ang mga tumatangkilik sa original Filipino project na theater arts.

Nagpaabot din sila ng pasasalamat at suporta sa mga frontliners na nagbibigay serbisyo sa gitna ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mensahe sa lahat na huwag mawawalan ng pag-asa at pananampalataya.