Tumagal lamang sa tatlong rounds ang naging laban ng Pinoy boxer na si John Riel Casimero at Duke Micah ng Ghana sa Connecticut ngayong Linggo, oras sa Pilipinas.

Sa kanilang title fight, nagtagumpay ang 30-anyos na boksingero mula sa Leyte para mapanatili ang kanyang WBO (World Boxing Organization) bantamweight crown.

Napuruhan ang Ghanaian boxer sa second round pa lamang dahil sa left hook ni Casimero.

Bagama’t tinangka pang maka-survive sa third round, nagpakawala naman si Casimero ng magkabilang uppercut dahilan upang tuluyang ma-knockout at inihinto na ng referee ang laban.

Sa post-fight stats, nasa 24 body shots umano ang napatama ni Casimero kompara sa apat lamang na napakawala ni Micah. (featured photo from boxingscene)