Bumaba sa $2.836B ang cash remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) abroad pabalik sa Pilipinas noong Buwan ng Enero.
Ayon sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay mababa kumpara sa pinakamataas na $3.28 bilyon na cash remittances na naitala noong Disyembre 2023.
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort sa isang panayam na ang cash remittances ngayon ay isang “seasonally eased” matapos mag bagong taon noong Enero kasunod ng seasonal na pagtaas ng mga padala ng OFW at maging ang pag convert sa peso ng mga ito noong kasagsagan ng Pasko.
Bukod pa rito, sinabi rin ng BSP na ang taon-taon na pagtaas ng personal remittances sa panahong iyon ay bunga ng pagdami ng padala mula sa land-based workers na may work contracts ng isang taon mahigit o may mga kontrata na mas maikli sa isang taon.
Samantala, puma-pang-apat lamang ang Pilipinas sa pinakamalaking bilang ng cash remittances sumunod sa India, Mexico, and China na umaabot sa $40 billion bawat taon.