-- Advertisements --
Naitala ng Banko Sentral ng Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng cash remittance ng mga OFW nitong buwan ng Agosto kumpara sa Agosto ng nakalipas na taon.
Batay sa datus ng BSP, umaabot sa $2.8 billion ang naging cash remittance noong Agosto 2023 habang ang noong Agosto, 2022 ay umabot lamang ng $2.72 billion.
Sa loob ng walong buwan, ayon sa BSP, mayroong $21.58 billion ang naitalang cash remittance ng mga OFW at mas mataas ng 2.8% kumpara sa naitala sa unang walong buwan ng 2022.
Ang mga OFW na nakabase US ang nakapagtala ng pinakamataas na remittance.
Sinundan naman ito ng Singapore at Saudi Arabia.