-- Advertisements --

Nangako si Pasig City Mayor Vico Sotto na ibibigay sa Enero sa susunod na taon ang cash aid para sa mga scholars ng lungsod.

Ayon sa alkalde, tatlong buwan na halaga ng financial assistance ngayong taon ang kanilang naibibigay pa lamang dahil sa technicalities sa budget

Ang cash aid na kanilang ibibigay ay idadaan sa pamamagitan ng virtual wallet app na Paymaya upang sa gayon ay contactless ito dahil sa banta pa rin ng COVID-19 pandemic.

Pinaalalahanan naman din ng alkalde ang mga scholars na magbigay alam sa Pasig City Scholarship office kung sila ay nagbago ng cellphone numbers.

Samantala, pinalawak naman ng lokal na pamahalaan ang kanilang scholarship program sa 3,000 indigent private school students ngayong taon.