-- Advertisements --
Inianunsyo ng Malacañang na magsisilbing officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) si Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan kapag nagretiro na si PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa bukas, araw ng Miyerkules.
Pero tumanggi pa naman si Presidential Spokesman Harry Roque na sabihin kung sino ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na papalit kay Gen. Gamboa.
Si Cascolan ay kasalukuyang second-in-command ng PNP bilang deputy chief for administration.
Inihayag ni Sec. Roque na mayroon ng ibinigay na pangalan pero binigyan siya ng instruksyong hold muna ang pag-aanunsyo.
“Pag-retire po ni General Gamboa, it will be General Cascolan who will be OIC in the PNP,” ani Sec. Roque.