Isinisisi ng presidente at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp. buildup ng mga sasakyan sa Skyway Stage 3 kahapon sa unang araw ng toll collection sa naturang elevated expressway.
Ayon kay Manuel Bonoan, nangyari ang tinaguriang carmageddon kahapon dahil nagkaroon ng kalituhan sa mga motoristang gumamit ng Skyway Stage 3.
Marami aniyang mga motorista ang tumuloy-tuloy at ang dala nila ay ang Easytrip RFID sticker nila, na hindi naman puwedeng gamitin sa Skyway Stage 3 project.
Mababatid na Autosweep ang ginagamit na RFID sa Skyway Stage 3 at sa iba pang expressways sa southern part ng Metro Manila.
Easytrip RFID naman ang ginagamit sa mga expressways sa northern part.
Ngayong nasa proseso pa ng pagsasapinal ng protocols para sa interoperability, dinamihan na rin ng Skyway ang bilang ng kanilang mga tauhan na naglalagay ng Autosweep stikcers sa mga sasakyan na gagamit ng elevated expressway.