-- Advertisements --

Ngayon pa lamang itinuturing na most bemedalled athlete na ang Pinoy Olympian at dating world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa nagpapatuloy na SEA Games doon sa Hanoi, Vietnam.

Liban kasi sa limang gold medals, meron pa siyang dalawang silver medals sa team at at parallel bars.

Sa kabuuan meron na siyang pitong medalya sa Games.

Sa mga atleta ngayon sa Vietnam si Caloy ang may pinakamaraming gold.

Ang Japan based na si Yulo, ay inaasahan na namang tatabo sa matatanggap na cash incentives batay naman sa batas sa Pilipinas.

Ang nanalo kasing atleta ng gold medal sa SEA Games ay mabibiyayaan ng P300,000, ang silver medal ay may nakalaang P150,000, habang ang bronze medal ay merong nag-aantay na P60,000 na cash incentive.

Sa inisyal na pagtaya nasa P1.5 million ang kanyang matatanggap sa limang gold medals at meron pa siyang premyo at percentage sa dalawang silver medals.

Napantayan ni Yulo ang swimming legend ng Pilipinas na si Eric Buhain (isa ng congressman ngayon sa Batangas) na nakasungkit din ng limang gold medals sa SEA Games noong taong 1991.