-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng 2nd World Qualification Tournament sa Bangkok, Thailand si Carlo Paalam.
Kasunod ito sa pagkapanalo niya laban sa Armenian boxer na si Artur Bazeyan sa score na 4-1 sa men’s 57 kgs. class.
Itinuturing na ang nasabing laban na ito ni Paalam ay muntikan na niyang ikinatalo dahil sa parehas ang ibinigay na score ng tatlong judges pagkatapos ng laban.
Mayroon pang dalawang panalo na kailangan ni Paalam para tuluyan na itong makapasok sa Paris Olympics.