-- Advertisements --
Nabigo si Filipino billiard player Carlo Biado na maidepensa niya ang kaniyang titulo sa 2022 US Open Pool Championship.
Ito ay matapos na talunin siya ni Francisco Sanchez Ruiz sa score na 11-10 sa semifinal round torneo na ginanap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City.
Hawak ng Spanish pool player ang kalamangan 10-6 hanggang nahabol ito ni Biado.
Naabot ng 38-anyos na si Biado ang semifinals matapos talunin si Hsieh Chia Chen ng Chinese Taipei sa score na 10-0.