-- Advertisements --

Tiniyak ng Caritas Philppines ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kanilang tutulungan ang mga pamilya na apektado ng malawakang oil spill mula sa tumagas na taker sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Calapan, Oriental Mindoro Diocesan Social Action director Fr. Edwin Gariguez na handa nilang hatiran ng tulong ang nasa 250 pamlya sa nasabing lugar.

Mayroon silang inilaan na tulong gaya ng pagkain sa mga pamilya na nasa malayong lugar.

Isasapinal nila ang listahan ng benepesaryo sa gagawin nilang pulong sa apektadong parishes sa Marso 14, 2023 na gaganapin sa St. Agustine Parish Pinamalayan.

Kasama nilang tutulong din ang Lipa Archdiocesan Social Action Center sa mga apektadong pamilya.