CAUAYAN CITY- Wala nang Buhay nang matagpuan sa kanyang tinitirhan ang isang caretaker sa barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan Aurora Police Station ang natagpuang patay si Jenifer Alfuerte, nasa hustong gulang, isang caretaker at residente ng Dumaguete City.
Humigit kumulang 15 taon nang nagtatrabaho bilang katiwala sa isang warehouse si Alfuerte na natagpuang wala nang buhay.
Nakatanggap ng ulat ang Aurora Police Station kaugnay sa natagpuan na wala nang buhay na katawan ng biktima sa kanyang tinutuluyang kwarto na agad nilang tinugunan .
Bago makita ang bangkay ng katiwala ay dalawang manggagawa ang nagtungo sa lugar para magbilad ng mga ani at nang kumatok sa silid ng caretaker ay walang sumasagot
Nagdesisyon ang dalawa na umakyat sa bubong upang makita ang ginagawa ng biktima ngunit laking gulat nila nang makitang nakahandusay .
Wala namang palatandaan na may foul play sa pagkamatay ni Alfuerte at lumabas sa postmortem examination ng Municipal Health Office na stroke ang ikinasawi ng caretaker.