Tiniyak ni Vatican-based Luis Antonio Cardinal Tagle, ang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples. na nakahanda itong mag-alay ng dasal para sa kaniyang mga kapwa migrant workers at kanilang pamilya sa nalalapit na kapaskuhan.
Sa Christmas message nito, ay sinabi ng dating Archbishop of Manila na hindi niya makakalimutang isama sa kaniyang mga panalangin ang mga kababayan nating magdiriwang ng Pasko na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay bunsod ng coronavirus pandemic.
Hinikayat din ni Tagle ang iba pang OFWs na nagtatrabaho sa ibayong dagat na humingi ng gabay at lakas mula sa Holy Family.
Hindi rin nitong nakalimutang isama sa kaniyang mensahe ang malaking tulong na dala ngayon ng modernong teknolohiya upang makapag-usap usap pa rin ang pamilya kahit malayo sa isa’t isa.
Dahil aniya sa epektong dulot ng COVID-19, halos lahat umano ay natakot na lumabas ng kani-kanilang mga bahay subalit hindi pa rin nito naharang ang kagustuhan ng mga Pinoy na iparamdam sa kanilang mga kaanak ang kanilang pagmamahal saan mang sulok ng mundo.
Ito ay sa pamamagitan ng text messages, social media posts audio at videos.
Dagdag pa ni Tagle, ang pagtatrabaho umano ng mga OFWs sa ibang bansa ay posibleng isa sa mga hakbang ng Panginoon upang gawin silang misyonaryo.