-- Advertisements --

Isa si Cardinal Luis Antonio Tagle na isa sa napupusuang susunod na maging Santo Papa.

Ayon sa ulat ng Catholic Herald, na ang isang napipiling papalit kay Pope Francis ay si Hungarian Cardinal Peter Erdo ang Arsobispo ng Esztergom-Budapest.

Lumabas kasi ang ulat na hirap na makalakad na si Pope Francis dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod at iniisip na lamang ang kaniyang pagreretiro.

Nakasaad din sa ulat na nais ng Santo Papa na pumalit sa kaniya si Italian Cardinal Pietro Parolin ang kasalukuyang Vatican secretary of state.

Nauna rito ay itinalaga ni Pope Francis ang dating Manila Archbishop na maging isa sa 22 members of Vatican City Congregation for Divine Worship and the Disclipine of Sacrament na pinamumunuan ni Cardinal-designate Arthur Roche.

Noong 2019 ay itinalaga si Tagle sa prefect of the Vatican’s Congregation for the Evangelization of People’s.