-- Advertisements --

VATICAN CITY – Kabilang ang isang prominenteng Italian cardinal sa 10 tao na sasalang sa paglilitis ngayong araw dahil sa financial crimes tulad ng embezzlement, money laundering, fraud, extortion, at pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.

Sasalang sa trial sa darating na Hulyo 27 sina Cardinal Giovanni Angelo Becciu, dating senior official sa Vatican administration, at dalawang top officials sa Financial Intelligence Unit ng Vatican.

May kaugnayan ito sa isang multi-million euro scandal kung saan dawit ang pagbili ng Vatican sa isang bulding sa isa sa mga distrito sa London.

Si Becciu, 73, na sinibak ni Pope Francis sa kanyang senior clerical post noong nakaraang taon dahil sa umano’y nepotism, na sa mga nakalipas na mga taon ay nanindigang siya ay inosento, ay magiging pinaka-senior official ng Vatican na nahaharap sa financial crimes.

Noong nakaraang linggo lang, nagbigay ng kanyang basbas ang Santo Papap para ma-indict si Becciu, base na rin sa 487-pahina na indictment request. (Reuters)