BUTUAN CITY – Lumabas na ang ikatlong beses ng COVID-19 samples sa Caraga kung saan ito ay negatibo.

Nitong Linggo ng umaga lamang nang matanggap ng Department of Health o DOH Caraga ang resulta sa samples na ipinadala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Ang lahat na limang samples ay nag-test negative sa COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa 14 na samples ang negatibo sa nasabing virus dahilan kaya nanatiling COVID free ang rehiyon sa Caraga.

Maalalang may 20 pang nanatiling Persons Under Investigation (PUIs) ang natala kung saan pito ang kasalukuyang nasa ospital at ang 12 ay isinailalim sa strict home quarantine.