ROXAS CITY – Kasabay ng isinagawang Sunday Angelus sa Vatican, inanunsyo ni Pope Francis bilang bagong Filipino cardinal si Capiz Archbishop Jose F. Advincula Jr.

Sa edad na 68-anyos, si Advincula ay kabilang sa 13 bagong cardinal ng Simbahang Katolika.

Nabatid na si Advincula ang ika-siyam na kardinal sa Pilipinas na kinabibilangan nina Cardinal Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.

Maliban dito, kabilang si Advincula sa mga cardinal na puwedeng makaboto sa pagpili ng bagong Santo Papa o conclave.