Kinukonsidera ngayon ng pamahalaan na taasan ang bilang ng mga biyahero na papayagang makapasok sa bansa, partikular na sa mga returning Filipinos.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, babanggitin nila ang karagdagang inbound flight capacity sa pulong ng IATF sa darating na Miyerkules.
Sa ngayon, sinabi ni Tugade na 2,000 inbound travelers lamang ang pinapayagan na makapasok ng bansa, bagay na dapat aniyang mataasan sa pamamagitan na rin nang pagbubukas pa ng maraming gateways sa iba’t ibang rehiyon.
Sinabi ni Tugade na inatasan na rin niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makipag-ugnayan sa mga local government units sa posibleng pagbukas ng mas marami pang regional airports para sa mga international flights.
Para kay CAAP Chief-of-Staff Atty. Danjun Lucas, nakapagsagawa na ng preliminary talks ang kanilang ahensya sa mga local government units dahil kailangan din ng mga resolutions para sa resumption ng international flights sa kanikanilang mga lugar.