-- Advertisements --

Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Migrant Workers kasama ang Canadian province ng Alberta para sa paglikha ng nursing program sa Pilipinas na layong maibsan ang kakapusan ang nurses na nararanasan maging sa Canada at iba pang mga bansa.

Kabilang sa lumagda sa memorandum of understanding ay sina Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan at Jason Kenney, ang premier ng Western Canadian province na pinuri ang naturang kasunduan bilang simbolo ng matatag na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Alberta.

Magpapalakas din aniya ang naturang kasunduan para malinang ang welfare ng Filipino nurses na nagtratrabaho sa Alberta.

Base sa 2016 Canada census data, nasa 175,130 overseas Filipinos ang nakabase sa Alberta.