Inimbitahan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Canada sa susunod na taon sa naging bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng ASEAN Summit.
Ito ay kasabay na rin ng nakatakdang pagdiriwang ng Pilipinas at Canada ng 75 taong diplomatic relations sa 2024.
Ibinahagi din ng Presidential Communications Office na sinabi ng Canadian PM na ang trade ties at economic ties sa pagitan ng PH at Canada ay patuloy sa paglago gayundin sa oportunidad para sa investment.
Inihayag naman ni PBBM na kumpiyansa siya sa hinaharap na ugnayan ng dalawang bansa at hindi nito nakikita na magkakaroon ng anumang balakid sa pagpapalalim pa ng bilateral relations ng 2 bansa.
Ang pagpupulong nina PBBM at Canadian PM Trudeua sa Indonesia ang ikatlong bilateral meeting sa pagitan ng dalawang bansa mula ng maupos bilang Pangulo si Pangulong Marcos noong nakalipas na taon.