-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na hiwalay na sila ng asawang si Sophie matapos ang 18 taong pagsasama.

Sa kaniyang social media account sinabi ni Trudeau na ito ang napagpasyahan nilang mag-asawa matapos ang makasaysayang pag-uusap.

Mananatili aniya silang malapit na pamilya nay mayroong pagmamahal at paggalang sa isa’t-isa para sa kanilang tatlong anak.

Pumirma rin ang dalawa ng kasunduan na magsasama pa rin ang dalawa sa tuwing mayroong mga public appearance ang opisyal.

Ikinasal ang dalawa noong 2005 sa Montreal at mayroong anak na sina Xavier, 15-anyos; Ella-Grace na 14-anyos at Hadrien na siyam na taong gulang.

Humingi ang 51 anyos at 48-anyos na asawang si Sophie Gregoire Trudeau ng privacy sa kanilang pinagdadaanan.

Madalang na nakita ang dalawa na magkasama na ang huli ay noong naging bisita nila si US President Joe Biden sa Canada noong Marso.