Mas dinoble ng US coast guard ang lawak ng lugar sa Atlantic Ocean para agarang makita ang lumubog na submersible vessel.
Sinabi ni US Coast Guard Captain Jamie Frederick na dumami pa ang mga ahensiya ang tumulong para mabilisang mahanap ang lumubog na submarine.
Bukod pa sa mga rescue group ay may mga remote control vehicles na silang pinakalat para mahanap ang nasabing nawawalang vessels.
Naniniwala naman ang Canadian Coast Guard na buhay pa rin ang sakay ng nasabing submarine kahit na limitado ang mga pagkain at tubig na kanilang dala bukod pa sa kakaunti na ang kanilang oxygen.
Ang nasabing submarine ay may sakay na limang katao na isang British adventurer, French diver, mag-amang Pakistani at ang founder ng kumpanya na siyang nag-operate ng tour.
Pag-aari ng isang pribadong kumpanya ang submersible na inilunsad noong nakaraang taon para magkaroon ng tsansa ang mga tao na makita ang mga lumubog na bahagi ng makasaysayang Titanic.
-- Advertisements --